Menu
Republic of the Philippines
PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION
  ADVISORIES    NOTICE TO THE PUBLIC[read more]
Ang PRC ay nakikiisa sa pag-arangkadad ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril
Posted on 4 April, 2025

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at ang Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat o National Book Development Board - Philippines alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015, ating ipinagdiriwang ang National Literature Month o Buwan ng Panitikan ngayong darating na Abril sa temang "Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran".

Ngayong taon, isang dekada simula nang malagdaan ang proklamasyon, binibigyang-diin natin ang pagsikad ng panitikan bilang mahalagang salik sa paghubog ng ating pagkakakilanlan. Higit pa sa sining ng pagsulat, ang panitikan ay nagsisilbing tulay sa mas malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika. Ito rin ay nagbibigay-daan sa pagbago ng mga makalumang pananaw at sa pagpapalawak ng kaisipan para sa mas makabago at progresibong lipunan.

Kasama ang panitikan sa mahabang paglalakbay, kuwento ng pagpupunyagi at pagninilay na nagpapayaman sa ating kultura—isang kultura na hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat.

Kaya’t Sikad Panitikan... Para sa mga Pilipinong Propesyonal sa buong mundo, para sa ating bayan.

Bisitahin ang https://ncca.gov.ph/nlm2025/ para sa iba pang impormasyon.

#BuwanNgPanitikan2025

#PRCObserves