Menu
Republic of the Philippines
PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION
  ADVISORIES    NOTICE TO THE PUBLIC[read more]
Araw ng Kalayaan ng Pilipinas: Patuloy na Pagtutok sa Kahusayan at Propesyonalismo
Posted on 10 June, 2025

Kaisa ang Professional Regulation Commission (PRC / Commission) sa pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at nagbibigay pugay sa hindi matitinag at walang kapantay na sakripisyo at debosyon ng ating mga makabago at pambansang bayani sa kanilang matibay na paninindigan para sa Kalayaan, Katarungan, at patuloy na Kaunlaran ng ating bansa.

Para sa inyong kaalaman, ang PRC ay pansamantalang isunususpindi ang operasyon sa lahat ng Opisina nito sa buong bansa sa Hunyo 12, 2025 (Huwebes). Ang lahat ng apektadong appointment at transaksiyon sa nasabing petsa ay papaunlakan sa muling pagbubukas ng operasyon sa Hunyo 13, 2025 (Biyernes).  

#ArawNgKasarinlan2025

#MabuhayAngBawatPilipino

#PilipinasAyParaSaPilipino