Ama, Ikaw ang Bida!
MANILA, PHILIPPINES – Sa espesiyal na Araw ng mga Ama, ngayong Hunyo 15, 2025, ang Komisyon ay itinatampok and mga magigiting na Ama, na nagsisilbing haligi ng tahanan, at gumaganap ng makabuluhang papel sa pagpapalakas, pagpapalaki, at paggabay sa mga anak ng bawat pamilyang Pilipino. Ipinagdiriwang ang mahalagang araw na ito upang ipakita ang pagpapahalaga sa mga sakripisyo at pagsisikap na ginagawa ng ating mga ama, saan man sila sa buong mundo.
Maligayang Araw ng mga Ama! Maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta!
Itay, Ama, Daddy, Pops, Dada, Papa, Tatang, Pa, Papsi, Tatay, isang malaking saludo at pagpupugay sa inyong lahat!
#PRCCelebrates
#PRCUpdates
#PRC2025ArawNgMgaAma