Menu
Republic of the Philippines
PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION
  ADVISORIES    NOTICE TO THE PUBLIC[read more]
PRC sa Paggunita ng Araw ng Kagitingan
Posted on 8 April, 2026

MAYNILA, PILIPINAS – Nakikiisa ang Professional Regulation Commission (PRC / Komisyon) sa buong bansa sa taimtim na paggunita ng Araw ng Kagitingan. Sa ating pag-alala ngayong taon, nawa’y ang kabayanihan ng ating mga ninuno, bayani, at beterano ay patuloy na magbigay-inspirasyon sa bawat Pilipino upang pangalagaan ang ating kalayaan at magtulungan sa pagbuo ng isang matatag, masigasig, at progresibong Pilipinas.

Alinsunod ito sa Proklamasyon Blg. 1006, na nagdedeklara ng Huwebes, Abril 9, 2026 bilang isang regular na holiday bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan. Dahil dito, ang mga serbisyong frontline na nakatakda sa nasabing petsa ay isasama sa pagpapatuloy ng operasyon sa Biyernes, Abril 10, 2026.

Nawa’y ang diwa ng katapangan sa pamamagitan ng pagkakaisa, pakikiramay, integridad, at pagmamahal sa bayan ay patuloy na manalagi sa bawat Pilipino!

#PRCUpdates
#PRCObserves
#ArawNgKagitingan2026